Home Page Image
  Sila ay higit na mararangal na tao kaysa sa mga taga-Tesalonica. Tinanggap nila ang salita ng buong sigasig. Sinaliksik nila ang mga kasulatan araw-araw kung tunay nga ang mga bagay na ito. – Mga Gawa 17:11
 
 


Sumasampalataya Ako

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Jesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat; na nagkatawang tao, lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa karoroonan ng mga yumao; nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat; at doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.

Amen.
   
           
Bibliya at Teolohiya © 2009